Mga Hakbang sa Pag gawa ng Leche Flan Kailangan ay mayroon kang oven o kaya ay steamer. Kung wala ka ng mga kagamitang ito, maaari kang gumamit ng malaking kawali. Lagyan mo lang ng mapapatungan ang llanera (yung pagsisidlan ng leche flan). Mga Sangkap ng Leche Flan: 1 tasang asukal (yung pula) 3/4 tasang tubig 12 pula ng itlog 2 lata ng gatas na condensada 2 lata ng gatas na evaporada 1 kutsarita katas ng lemon Kaunting asin Paraan ng pagluto ng Leche Flan: 1. Kailangang Paghiwalayin ang pula at puting bahagi ng itlog dahil ang pula lang ang kailangan sa leche flan na iluluto. 2. Gamit ang isang mangkok, paghaluin ang lahat ng pula ng itlog, kondensada at evaporada. 3. Ilagay ang katas ng lemon at haluin ito ng maigi upang maiwasan ang mga bula. 4. Maglagay ng kaunting asin. 5. Sa isang kawali, paghaluin ang tubig at asukal. Isalang sa apoy at hayaang kumulo hanggang mag-caramelize ang asukal. Ibuhos ito at ika...