Skip to main content
Mga Hakbang sa Pag gawa ng Leche Flan

Kailangan ay mayroon kang oven o kaya ay steamer. Kung wala ka ng mga kagamitang ito, maaari kang gumamit ng malaking kawali. Lagyan mo lang ng mapapatungan ang llanera (yung pagsisidlan ng leche flan).

Mga Sangkap ng Leche Flan:
1 tasang asukal (yung pula)
3/4 tasang tubig
12 pula ng itlog
2 lata ng gatas na condensada
2 lata ng gatas na evaporada
1 kutsarita katas ng lemon
Kaunting asin

Paraan ng pagluto ng Leche Flan:
1. Kailangang Paghiwalayin ang pula at puting bahagi ng itlog dahil ang pula lang ang kailangan sa leche flan na iluluto.

2. Gamit ang isang mangkok, paghaluin ang lahat ng pula ng itlog, kondensada at evaporada.

3. Ilagay ang katas ng lemon at haluin ito ng maigi upang maiwasan ang mga bula.

4. Maglagay ng kaunting asin.

5. Sa isang kawali, paghaluin ang tubig at asukal. Isalang sa apoy at hayaang kumulo hanggang mag-caramelize ang asukal. Ibuhos ito at ikalat sa mga llanera. Hayaan itong lumamig.

6. Unti unting ibuhos ang pinaghalong kondensada at evaporada sa loob ng llanera na may nakabanig na caramelized na asukal. Huwag punuin ang sisidlan. Maglagay lang ng hanggang 1 ¼ pulgada ang lalim.

7. Maaring lagyan ng takip na aluminum foil kapag walang dala na takip ang llanera.

8. Ilagay sa lutuan na iyong napili at i-steam ng 35 hanggang 45 minuto. Kung sa oven naman, i-bake ng 45 minuto sa setting na 370 Celsius.

9. Kapag naluto na, haungin at palamigin. Palamigin sa loob ng ref – huwag sa freezer.

10. Bago ilipat sa plato, padaanin ang kutsilyo sa pagitan ng leche flan at ng llanera upang hindi mabiyak ang leche flan. Ilagay sa plato ng nakabaligtad upang yung bahagi na may caramelized sugar ang nasa ibabaw.

Hanggang 6-10 na katao ang makakain at makakatikim ng leche flan sa ibigay kong sukat ng sangkap sa paggawa. Maiging sundin lahat ang sinabi kong paraan ng pagluto at tamang sangkap sa paggawa nito para makagawa ng masarap na leche flan.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Hakbang sa Pag gawa ng Leche Flan Kailangan ay mayroon kang oven o kaya ay steamer. Kung wala ka ng mga kagamitang ito, maaari kang gumamit ng malaking kawali. Lagyan mo lang ng mapapatungan ang llanera (yung pagsisidlan ng leche flan). Mga Sangkap ng Leche Plan: 1 tasang asukal (yung pula) 3/4 tasang tubig 12 pula ng itlog 2 lata ng gatas na condensada 2 lata ng gatas na evaporada 1 kutsarita katas ng lemon Kaunting asin Paraan ng pagluto ng Leche Plan: 1 . Kailangang Paghiwalayin ang pula at puting bahagi ng itlog dahil ang pula lang ang kailangan sa leche flan na iluluto. 2. Gamit ang isang mangkok, paghaluin ang lahat ng pula ng itlog, kondensada at evaporada. 3. Ilagay ang katas ng lemon at haluin ito ng maigi upang maiwasan ang mga bula. 4. Maglagay ng kaunting asin. 5. Sa isang kawali, paghaluin ang tubig at asukal. Isalang sa apoy at hayaang kumulo hanggang mag-caramelize ang asukal. Ibuhos ito at ikalat sa mga llanera. Hayaan itong lu...